Mga Laktaw - Laktaw 3

Date Uploaded: 

Dec 11 2010

Ok, ok, alam ko. “bakit wala pang isyu 10?” sorry sorry. Ang hirap kasi. Inaayos ko kasi ang website ng tinatayo naming business (http://www.pepeandthepolygons.com). Andaming kailangan asikasuhin. Syempre kailangan ko ito para may makain at para maipagpatuloy ko ang “Tabi po” nang libre. At sino bang ayaw n’on? Kaya konting pasensya pa mga mahal kong kaibigan. Di ko kayo bibitinin. Tatapusin ko t’ong storyang ito. Kailangan ko lang ng kaunting oras.

Nais kong magpasalamat muna sa inyo dahil ang totoo, noong una, di ko alam na maraming tatangkilik sa “Tabi po”. ‘Di ko kasi inaasahang may matutuwa sa isang komiks na maraming dugo at kahubaran (at magkakaroon pa ng mas marami sa mga susunod). Akala ko nga maraming ma-o-offend. Pero kahit na kakapiranggot na bahagi pa lang ng ating kwento ang nagagawa ko, ramdam ko na marami-rami na rin ang nagbabasa at natutuwa rito. Kaya salamat sa iyo na nagbabasa nito ngayon!

Isang espesyal na pasasalamat din kay Ginoong Budjette Tan, nagsulat ng “Trese” na nanalo ng National Book Awards, dahil sa pagtangkilik at pagsuporta nya sa “Tabi po”. Isa ang “Tabi po” sa listahan nya ng ‘best reads’ sa taong ito. Isa itong karangalan sa akin at ang totoo nakakatulong ito sa mas pagdami ng mambabasa ng ating kuwento.

O sya, pakiusap, hintay lang po. babalik din tayo dito! punta na lang sa ating “peysbuk” para sa updates!

 

 

~ Merv

 

 

 

Maaari pong umorder ng TABI PO print version sa akin. I-click lang ang larawan sa baba para umorder.
Para sa iba ko pang mga komiks, bisitahin ang mervstore.com.

Facebook Comments Box

End of "Laktaw 3 "