Mga Laktaw - Laktaw 1: Drawing Tutorial

Date Uploaded: 

Jun 1 2010

Ok. Lalaktaw muna tayo sa ating kuwento ngayong linggo. Andami kasing nangyari ngayon na pumipigil sa kin magkaroon ng oras para gumuhit ng panibagong mga pahina. Mula sa pagkahulog mula sa ikatlong palapag ng pusa ni Princess (kasintahan ko) hanggang sa mga bagong kliyenteng kailangan pasayahin.

Subalit dahil sa mahal ko kayo at ayaw kong wala kayong nakikitang bago dito, naghanda ako ng isang maiksing tutorial kung paano ko ginagawa ang isang pahina ng “Tabi po”. Okey, Simulan natin!

Ituturo ko sa inyo kung paano ko ginawa ang pahinang ito:


 

Una, ginuguhit ko sya sa papel (kahit na anong papel) gamit ang mechanical pencil at kneadable eraser na nakikita nyo sa larawang ito:

 

Kung kakayanin, hindi ako gaanong nagbubura ng mga linya, gusto ko kasing medyo hilaw ang dating ng aking gawa. Planado na ang storya ko, pero di ako gaano nagplaplano ng mismong layout kada-pahina. Kung baga ginagawa ko sya kung kailangan na. Bahagi ito ng spontaneity ng mga gawa ko.

Inii-scan ko ito sa computer at ganito ito lalabas:

 

Sunod: sinisimulan ko na kulayan sa Photoshop. flats lang muna lahat. matigas na brush ang ginagamit ko para malinaw ang mga gilid nito. Nasa Pinaka-itaas ang line drawing natin tapos yung “Blending mode” naka-set samultiply para lumabas ang kahit ano mang kulay na nasa ilalim nito nang hindi napapatungan ang ating linya.

Inuuna ko kulayan kadalasan ay yung tao sa larawan.

 

Pagkatapos, ang background naman.

Sa background mas makakabuti kung magkakaroon tayo ng mga bagay sa harap (foreground), middle ground at likod (background) para magkaroon tayo ng ilusyon ng espasyo kagaya ng nasa larawan sa baba. Pansinin na may mga ginuhit akong damong malalapit at may mga malalayo din.

Kadalasan pinapababa ko ang “Opacity” o “Transparency” ng mga bagay na mas malayo para makadagdag ng ilusyon ng space.

Sunod naman, nagdadagdag ako ng kaunting detalye. Sa halimbawa natin, nagdagdag tayo ng kulay kay Elias para sa dugo at texture sa puno para mas maging kapanipaniwala.

ang larawan sa baba ang ginamit kong texture para sa puno.

Sunod, naglalagay ako ng anino para mas umangat ang ating gawa.

Kadalasan kong gamit ay kulay “violet” na Naka-multiply din ang blending option para maganda ang pagkahalo nito sa mga kulay na nasa ilalim na layer nito. Pinaglalaruan ko ang opacity hanggang sa magmukha itong natural.

Ganito ang hitsura nito pag walang kulay, anino lang.

 

Ngayon, pag tingin ko hindi pa sapat ang ating larawan, nagdadagdag ako ng mga elemento katulad ng karagdagang mga sanga sa likod at harap ng punong ito halimbawa (ngapala, sa mga nagtatanong, balete po ang punong ito).


Malapit na matapos, kaunting kulay na lang para sa lighting effect

 

At kaunting anino pa para mas dramatic.

 

Tapos nakakadagdag din ng ganda ang mga maliliit na detalye katulad ng mga “paint splatter” na dinagdag ko dito.

At ang pinakahuli na nakakadagdag ng epektong-biswal, naglalagay ako ng mga textures sa buong larawan

 

para mas lumabas ang pagka-hilaw o raw na dating nito.

Ito rin ang dahilan kung bakit maraming taong napapagkamalang tunay na watercolor ang gamit ko dito. Well, kaya ko din naman yun pero mas mabilis sa photoshop at mas madaling magtama ng mga mali.

Pagkatapos, wag nating kalimutang ilagay ang dialogue o monologue sa kasong ito, Ngapala ang gamit kong font dito ay hango sa sarili kong sulat-kamay.

 

 

O ayan! sana marami kayo natutunan at kitakits tayo sa susunod na linggo!

Nagmamahal,
Mervin Malonzo

 

 

 

 

 

 

Maaari pong umorder ng TABI PO print version sa akin. I-click lang ang larawan sa baba para umorder.
Para sa iba ko pang mga komiks, bisitahin ang mervstore.com.

Facebook Comments Box

Earlier Comments

This website has been revamped. The following comments are screenshots of the ones posted in the old site. 

End of "Laktaw 1: Drawing Tutorial"