Unang Aklat: Si Elias - Isyu 21

Date Uploaded: 

Nov 27 2017

Hello! Kumusta? Matagal-tagal rin bago ko nasundan ang Isyu 20. Kung nabili mo na ang print version ng Isyu 3, alam mo na ang mga mangyayari dito. Pero hula ko may mga ilan pa rin sa inyo na wala pang kopya at talagang dito sa website sumusubaybay. Huwag kayong mag-alala at ia-upload ko lahat katulad ng pangako ko nung sinimulan ko itong webkomiks na ito. Mababasa pa rin ang kabuuan ng Tabi Po nang libre dito. 

At kung handa na rin naman kayong sumuporta, maaari pa ring mabili mula sa akin ang mga komiks ko. Marami pang iba bukod sa Tabi PoBumisita lang sa mervstore.com kapag handa nang bumili. 

At oo nga pala, nanalo ang Tabi Po nitong nakaraang Komikon 2017 bilang Best Comic Book Series sa Reader's Choice Awards. Maraming-maraming salamat sa inyong mga bumoto. Hindi ko ito inaasahan dahil hindi ko sinundan masyado ang mga polls sa facebook. Hindi ko rin masyadong naishare ang botohan dahil busy ako nun at gusto kong hayaan talaga na kayong mga mambabasa ang pumili. Kaya nagulat pa rin ako sa resulta. Hindi bale pag-iigihan ko pa ang mga susunod kong gagawin. Hindi kayo magsisisi sa binoto ninyo. Salamat uli!

Narito ang trophy kasama ang mga libro. Sinama ko na rin ang trophy ng National Book Award (sa likod) na napanalunan ng Tabi Po: Isyu 1 noong 2014. Pasensiya po sa pagyayabang. Minsan lang naman. Hindi ako mahilig sa awards pero pagdating dito sa Tabi Po, natutuwa ako kasi buong puso ang ibinuhos ko sa paggawa nito kaya natutuwa ako sa pag-appreciate ninyo sa kuwento ko.

Taon nga yata ng Tabi Po ngayon dahil lumabas na rin ang TV Series sa Sari Sari Channel 3 ng Cignal TV at maraming mga natutuwa sa show, parehong critics at mga manonood! Last episode na sa Biyernes. At sa mga nagtatanong, doon pa lang po talaga ito puwedeng mapanood. Malalaman niyo agad mula sa akin kung magkakaroon na sa mga online streaming websites. 

O siya! Sana natuwa kayo sa Isyu ngayon. As usual, aabangan ko ang inyong comments sa baba. Salamat uli!

Maaari pong umorder ng TABI PO print version sa akin. I-click lang ang larawan sa baba para umorder.
Para sa iba ko pang mga komiks, bisitahin ang mervstore.com.

Facebook Comments Box

End of "Isyu 21"