Unang Aklat: Si Elias - Isyu 18

Date Uploaded: 

May 4 2017

Ang bahaging ito ay nagsisilbing footnotes sa isyung ito. Siguruhin munang nabasa niyo na ang lahat ng pahina bago kayo patuloy na magbasa kasi siguradong may spoilers ang mga babanggitin ko sa baba.

Okey? Nabasa niyo na? Ayos!

Sana nagustuhan niyo ang pagkatagal-tagal na lumabas na isyung ito. Sana sulit naman ang paghihintay. 

Matagal ko nang naisulat ang chapter na ito sa isip ko. Wala pa akong anak, ito na talaga ang mga mangyayari. Ngayong may anak na ako (Elias ang pangalan!), mas weird siguro ang tingin ninyo sa akin kasi ginawa ko pa ring karumaldumal ang sinapit nung baby. Pero huwag kayong mag-alala. Walang tunay na baby na napahamak sa paggawa ng kabanatang ito. Pasintabi na lang sa mga maseselang magulang na nagbasa nito. Pero kasi horror komiks ang binabasa ninyo at mga aswang pa ang bida kaya inevitable na magkaroon ng mga ganitong eksena sa mga ganitong klaseng kuwento.

Patawad din pala sa medyo nangangapang art style sa simula. Nagpasya kasi ako na gawing traditional ang technique na gagamitin. Watercolor. Eh, matagal-tagal na rin bago ako nakabalik dito sa TABI PO at nasanay ako sa digital na tools kaya yung mga art sa simula ay hindi masyadong defined. Kinakapa ko pa kasi ang medium. Hindi naman naglaon, naenjoy ko na rin at nagamay ang paggamit ng watercolor. Sinubukan kong gawaan ng paraan para halos magkahawig pa rin sila nung style sa mga naunang chapters na digital ang pagkakulay. Pero hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng pagkakaiba. Kayo ba? Ano sa tingin niyo? Okey ba na nag-traditional ako? Distracting ba ang pagkakaiba ng style? I-comment niyo sa baba kung ano sa tingin ninyo. Salamat!

Maaari pong umorder ng TABI PO print version sa akin. I-click lang ang larawan sa baba para umorder.
Para sa iba ko pang mga komiks, bisitahin ang mervstore.com.

Facebook Comments Box

End of "Isyu 18"