Unang Aklat: Si Elias - Isyu 14

Date Uploaded: 

Apr 9 2013

Mga giliw kong mambabasa,

Wow! Ang kapal ng isyu natin ngayon no? Sana natuwa kayo. Ang totoo nyan dapat mahaba-haba pa bago ko sana putulin ang isyung ito, e kaso kinapos na tayo sa space. At syempre para mabitin uli kayo. Haha! Hmm… Ano kayang mangyayari kay Salome? Kawawa naman sya no? At sino si momoy? Abangan nyo na lang sa susunod.

Nais ko nga palang magpasalamat kay Ginoong Paolo Chikiamco sa kanyang tulong dito. Simula kasi noong dalawang nakaraang isyu, nagbibigay sya ng kanyang mga payo at suhestiyon sa akin kung paano magiging mas maayos at mas natural ang flow ng ating storya. Maaari nating sabihing sya ang editor ng Tabi Po simula noong isyu12. Ang proseso ay ganito: Pagkatapos kong gawin ang bawat isyu, ipapakita ko muna ito sa kanya. Tapos magsasabi sya ng kanyang suhestiyon kung ano ang mga bagay na kailangan ng improvements at kung may bahagi ba na malabo at mahirap maintindihan. Malaking tulong ito sa akin paminsan-minsan, may mga bagay akong hindi napapansin at nangangailangan talaga ng sariwang mata na titingin at magsasabi sa akin nito. Buti na lang so far, mga maliliit na bagay lang ang kinailangan kong baguhin.

Maaari nyong puntahan ang blog ni Pao dito: www.rocketkapre.com. At nga pala, Summer Komikon na sa Sabado! Mayroon siyang sinulat na series ng comics collectively known as “Mythspace”. illustrated ito ng iba-ibang artists. Hanapin nyo ang booth nila sa Sabado. Nakita ko na ang ilan sa mga comics na ito at sigurado akong magugustuhan nyo rin. Lalo na sa mga fans ng manga at sci-fi. At hanapin nyo na rin ang table ni Josel Nicolas. Baka may mga kopya pa kami ng QBCCC (baka lang ah, wag kayo umasa masyado).

Speaking of Komikon, pupunta rin ako at mag-iikot. Wala akong table dahil wala naman akong ibebenta. Pero may good news ako. May MALAKING chance na makagawa na ng Print Version ng “Tabi Po”. Ia-announce ko ang mga detalye pag meron na. Abangan nyo lang.

Ngapala, may donate button na tayo dito. Nasa sidebar sa kaliwa. Kung nais nyo tumulong sa kin para mas ganahan akong tapusin ito, click nyo lang yun para mag-donate. Hehehe!

O sya! Kitakits next time! Kung may comments kayo, gamitin ang facebook comments sa baba. At punta nga pala kayo sa website ko. Ayos na sya ngayon at marami nang content - www.mervinmalonzo.com.

— M

Maaari pong umorder ng TABI PO print version sa akin. I-click lang ang larawan sa baba para umorder.
Para sa iba ko pang mga komiks, bisitahin ang mervstore.com.

Facebook Comments Box

Earlier Comments

This website has been revamped. The following comments are screenshots of the ones posted in the old site. 
These comments were posted on page 4 of this issue:

These comments were posted on page 12 of this issue:

These comments were posted on page 15 of this issue:

These comments were posted as reactions to the write up at the end of this issue:

End of "Isyu 14"