Unang Aklat: Si Elias - Isyu 13

Date Uploaded: 

Jan 7 2013

Mga giliw kong mambabasa,

Whew! Antagal ng isyu na to! Nainip ba kayo sa paghihintay? Hehe! Sana sulit naman kahit paano.  So next year na uli! hehe. joke!

Yung unang part ng isyu na to, in-appropriate ko ang lyrics ng “Dalagang Pilipina”. Sinulat ito ni Jose Corazon de Jesus. Para syang nagsilbing soundtrack dun sa mga eksena ni Salome. Gusto ko yung contrast ng mga nangyayari sa kanya dun sa tema ng kanta. Ang pambababoy sa isang dalagang Pilipina at ang kantang sumasamba sa kanila. Saliwang-saliwa ang ibig sabihin pero maganda ang kombinasyon.

 

 

“Ang Dalagang Pilipina”
Jose Corazon de Jesus

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob

Bulaklak na tanging marilag, ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo’y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak, hantungan ng madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat
sa isang tunay na pagsinta.

 

Ang ganda no? Sana sa susunod na marinig n’yo ang kantang ito, isipin n’yo si Salome.

O s’ya! Sa katapusan ng buwan na to, balik uli kayo para sa Isyu 14! Kitakits!

—M

 

 

 

Maaari pong umorder ng TABI PO print version sa akin. I-click lang ang larawan sa baba para umorder.
Para sa iba ko pang mga komiks, bisitahin ang mervstore.com.

Facebook Comments Box

Earlier Comments

This website has been revamped. The following comments are screenshots of the ones posted in the old site. 
This comment was posted on page 1 of this issue:

This comment was posted on page 3 of this issue:

These comments were posted as reactions to the write up at the end of this issue:

End of "Isyu 13"